Advertisement

Ang dating Little Miss Philippines na si Ryzza Mae Dizon Eto na pala siya ngayon.

      


    `     Naging usap-usapan na naman ngayon ng mga netizen sa social media ang tungkol sa isang batang dating TV host at actress tungkol sa kanyang pagbabago ngayon. Maraming nagulat at namangha sa buhay ngayon ng batang si Ryzza Mae Dizon. Si Ryzza Mae Dizon ay dating Tv Host sa GMA 7 sa programang eat bulaga at the Ryzza Mae Show sa murang edad. Halos hinangaan siya ng karamihan dahil sa bibong bibo nito kung magsalita at kung paano siya makipaghalubilo sa maraming tao, mapabata man o matanda. Siya ang tinaguriang pinakabatang TV Host sa kanyang henerasyon. 

        Nagsimula si Ryzza sa career niya sa showbiz noong nakuha niya ang titulong  “little miss Philippines pageant” ng GMA network Eat Bulaga noong 2014. At doon nagsimulang dumami ang kanyang mga proyekto sa mundo ng showbiz. Una niyang nagging proyekto ay ang gumanap sa isang Metro Manila Film festival. Dahil sa pagiging bibo ni Ryzza at makukulit niyang mga galawan kaya naman kabi-kabilaan ang mga proyektong nakapila para sa kanya. Dahil sa husay at galling ni Ryzza, nagkaroon siya ng sariling show sa kapuso na kung tawagin ay ang “The Ryzza Mae Show”. Talaga namang maraming namangha na mga netizens sa kanyang angking galling sa pakikipagusap sa audience na para bang matured sa paraan ng kanyang pakikihalubilo sa tao. 

        Kaya naman tinagurian siyang si Aling Maliit. Hindi lamang mga matatanda ang mga humahanga sa kanya pati na rin syempre ang mga kaedaran niyang mga batang nangangarap din na maging katulad niya. Kaya naman ganun na lamang siya minahal at itinuring parang pamilya na rin nila sir Tito, sir Vic, at sir Joey, at ang buong staff ng Kapuso GMA Network. At ditto nagsimulang mabuo ni Ryzza ang kanyang mga pangarap para sa kanyang pamilya.

        Sa kasalukuyan, si Ryzza ngayon ay nagdadalaga na sa edad na 15 taong gulang na. Kaya naman maraming nagulat na mga netizens sa kanyang pagbabago ngayon mula pagiging si Aling Maliit hanggang sa isa ng dalagitang Ryzza Mae ngayon. Bukod sa kanyang itsura ay pati na rin ang hugis ng kanyang pangangatawan ay nagbago na rin. 

 



        Makikita sa kanyang social media newsfeed, maging sa pananamit,sa pagaayos sa kanyang sarili at sa mga kilos nito ay ibang iba na dun sa dating little miss Philippines. Halos inaabangan ng mga taga hanga niya ang tungkol sa kanyang buhay ngayon. Gayun pa man, sa kabila ng pagbabagong naganap tungkol sa kay Ryzza ay hindi pa rin mawala sa kanya ang pagiging bibo nito sa katunayan nga lalo pa itong nagging bibo kaya naman todo suporta pa rin ang kanyang mga tagahanga sa kanya. Ang dating maliit at chubby, ngayon tumangkad at pumayat na si Ryzza na makikita niyo sa kanyang social media account. 

        Talaga nga namang ang lahat ay nagbabago lalong lalo na kapag nagkakaedad tayo. Kaya naman sa tuwing ngkakaedad tayo ay hindi maiiwasang magbago ang panlabas nating kaanyuan pati na rin ang ating mga pagiisip at paguugali. Pero may mga iilan lalo na sa mga mayayamang celebrity, na kahit tumatanda na, imbis na kumulubot ang mga balat ay lalo pa itong nagmumukhang bata at nanatili pa ang kanilang pagiging batang anyo.




Post a Comment

0 Comments