Tayong mga pinoy ay mahihilig sa meryendang gawang bahay isa na rito ang banana cue. Bukod sa masarap, masustansya, at mura pa, kaya naman halos gustong gusto ito ng mga pinoy. Kung ating maaalala, at kung ating babalikan ang kwento sa nagviral tungkol sa banana cue. Hindi dahil sa banana cue kundi dun sa nagbebenta ng banana cue.
Isang
dalagitang may bukod tangi ang ganda na si Yssa Nicole Nengasca, na nagmula sa
Davao City , labing anim na taong gulang. Umagaw ng atensyon sa mga netizen
ang kagandahan ng dalagita habang nagbebenta ng banana cue. Halos pagusapan
siya ng mga netizen sa social media dahil sa katayuan nito at dahil na rin sa
kagandahan nito. Kaya naman nagviral ang banana cue at halos tinawag siyang
“banana cue girl” ng mga netizen.
Nafeature din
siya sa 104.1 Wow Radio Midsayap dahil sa nagviral ito sa social media. Talaga
namang kahit sino mamamangha sa kanya dahil bihira ang katulad niya na bukod
sa maganda, masipag, at hindi niya ikinakahiya ang kanyang pagtitinda ng
banana cue sa mga kalye. Kamakailan lamang ay lumitaw uli ang kanyang anyo sa
social media dahil sa mas lalong pang gumanda ito. Lalong napamangha ang
karamihan sa kagandahan niyang taglay.
Halos marami
ang gustong kumuha sa kanya bilang modelo ng isang produkto. Sa kasalukuyan,
pinasok niya na rin ang pagmomodelo upang makadagdag tulong sa kanyang
magulang hindi lamang sa pagtitinda ng banana cue. Sa kadahilanang, gustong
gusto niyang tulungan ang kanyang mga magulang upang makaahon sa hirap ng
buhay lalo na ngayong pandemya. At hindi lamang pagmomodelo ang pinasok niya,
pati na rin ang pag ba-vlog sa youtube upang masubaybayan na rin siya ng
kanyang mga fans.
Doon niya
ipinapakita ang pagiging modelo niya sa mga kabataan sa paraang binibigyan
niya ito ng inspirasyon sa buhay upang matupad din nila ang kanilang mga
pangarap. Marami sa ating mga kabataan ngayon ang may mga matataas na pangarap
sa buhay ngunit dahil sa pandemyang ating nararanasan ngayon, marami ang
naging hopeless. Pilit nagsusumikap ngunit hirap maabot ang kanilang
pangarap.
Ngunit hindi
lahat ay sumusuko, katulad na lamang ni Yssa, na talagang nagsumikap, hindi
sumuko, at hindi ikinahiya ang pagbebenta ng banana cue. Sa kadahilanang
pursigido ito sa buhay at may pangarap na gusting gusting maabot kaya niya
napagtagumpayan lahat ng pagsubok na dumaan sa kanya. Sana’y may napulot
tayong aral at sana’y maging inspirasyon natin ito upang magkaroon tayo ng
paninindigan at pagsisikap sa buhay upang matupad rin natin an gating mga
pangarap sa buhay.
0 Comments