Advertisement

Dating Aktres, Mala-Reyna na ang buhay ngayon

 

        

        Karamihan sa mga taong nagiging matagumpay sa buhay ay dahil sa pagsusumikap. Ang iba naman ay dahil sa pang-aapi, panlalait, at paninira. Kaya naman nagiging dahilan ito upang lalong maging pursigido na maabot ang kani-kanilang mga pangarap sa buhay. 

        Sa artikulong ito, ating paguusapan ang tungkol sa dating artista na ngayon ay malareyna na ang buhay.  Sa kabila ng kanyang mga accomplishment ay meron pa rin isang taong itinuturing siyang failure. Siya ay dating pinay aktres at modelo noon. Ipinanganak siya sa Manila noong june 29 1990 at nakapagaral sa University of the Philippines. 

        Siya ay may talento rin sa pagkanta, kaya naman pumasok rin ito sa isang Cathedral of Praise para mashowcase din ang kanyang talent sa pagkanta. Bukod dito, sa isang talent reality search ng GMA 7 na starstruck, ay nanalo din siya bilang Ultimate Sweetheart. At dahil dun ay nagkaroon siya ng isang exclusive management contract sa GMA network. At dito nagsimula ang kanyang career sa pag-arte. Sumabak na rin siya sa mga television guesting at sa mga pelikula. Isa rin siya pinangalanang “3rd Most Beautiful Stars in the Philippines” ng yes magazine, showbiz central at starmometer noong 2006. 

        Dahil sa taglay niyang ganda at talino, maraming lumabas na mga magazine tungkol sa kanya at kinuha din siya ng iba’t ibang mga kompanya upang maging modelo. Isa na dito ang clothing line na Hip Culture. Una siya sumabak sa pagarte taong 2007, sa Sunday afternoon series na Magic Kamison. Nanominate din siya bilang Best New Female Personality sa 21st Star Awards for Television at hindi lang yan dumami na rin ang kanyang primetime series na sinalihan. Binigyan din siya ng mga roles sa mga pelikula katulad ng “ Sa mga mata ni Anghelita”, “Fantastic Man”, “Kamandag”, at “Shake, Rattle and Roll”.

         Naging host din siya sa isang TV Program na “lalola”, “America’s Funniest Home Videos”, “Bitoy’s Funniest Videos”, at marami pang iba. Isa rin siya sa mga celebrity endorses sa Brit London, at tinanghal din siyang isa sa Regal Films contract star. Pero kalaunan ay lumipat siya sa ABS-CBN noong 2010 para sa dalawang taong kontrata.

        Siya ay walang iba kundi si Jewel Mische, isang Fil-Am. Ang kanyang ama ay isang Spanish-american at ang kanyang ina naman ay pure Filipina. Pagkatapos ng dalawang taong kontrata niya sa ABS-CBN, ay bumitiw na siya sa buhay showbiz noong 2014. Kaya naman si Jewel ay tuluyan ng nakasama ang kanyang asawa sa Michigan, USA. Siya ngayon ay masayang kapiling na ang kanyang asawana si Alex Kerzer, isang American. 

 


        Dalawang taon ng magkarelasyon ang dalawa bago sila nagpakasal. Sa ngayon ay meron na silang dalawang babaeng anak na sila Aisah Rose at Emerald Jade. Halos natuwa ang mga netizen sa isang post ni Jewel sa Instagram, dahil sa cute at magaganda ang kanyang mga anak. Taliwas sa pangarap ng mga magulang ni Jewel na maging isang sikat na celebrity, at modelo si Jewel. Ngunit hindi niya ito pinagsisihan, dahil mas maaus ang kanyang kalagayan ngayon kasama ang kanyang mga anak at ang kanyang mabait at supportive na asawa. 

        Si Jewel na artista noon na malareyna na ang buhay ngayon. Mas masaya ang buhay ngayon ni jewel, dahil minsan niya na ring pinangarap ang ganitong buhay na magkaroon ng sariling pamilya. Ngunit para sa kanyang ina, ito isang “Failure” dahil sa hindi nito natupad ang gustong mangyari ng kanyang magulang para sa kanya. Nguni para kay Jewel, ang tagumpay ay ang pakiramdam ng pagkumpleto at katuparan ng layunin. Ayon sa kasabihan, ang daan patungo sa tagumpay at ang daan patungo sa pagkabigo ay eksaktong pareho lamang. At huwag sumuko maliban sa mga paniniwala ng karangalan at mabuting katuturan.



Post a Comment

0 Comments