Advertisement

Dating "Ang Probinsyano" Actor Delivery Driver na ngayon




        Sa panahon ngayon, kapag wala ka nang choice sa buhay, talagang kahit maliit na kita eh, pagtyatiyagaan mo talaga para lang makasurvive. Katulad na lamang nitong dating aktor ng probinsyano na si Lester Llansang, kahit sa pagiging delivery driver ay pinasok niya na rin. Kaya naman maraming mga netizen ang humanga sa kanya dahil sa pagiging humble nito. At sa katunayan, inamin din ni Lester sa publiko na ito na ang pinagkikitaan niya sa kasalukuyan ang pagiging delivery driver matapos ang kanyang roles sa “ang probinsyano”. 

         Dahil sa mahina na ang kanyang daily income, bagama’t may maliliit itong mga negosyo hindi pa rin sapat na pang araw araw na gastusin ang mga kinikita nito. Kayat napagisipan ni Lester na pumasok bilang delivery driver ng Lala Move. Hindi niya na inisip ang hirap at pagod na nararanasan niya bilang delivery driver, bagkus dagdag pa ito sa kita niya para sa pang araw-araw ba gastusin. Kahit hindi gaanong kalakihan ang kinikita niya kumpara sa pagaartista ay masaya na ito at sa katanuyan, ipinagmamalaki niya pa ito. At hindi lamang ito ang kanyang naranasan, pati na rin ang depression dahil sa wala itong maaus na trabaho. Paki ramdam kasi niya ay parang wala na siyang silbi sa buhay kaya naman hindi na siya nagdalawang isip na pumasok bilang delivery driver.

 


 

        At hindi lang yan, isa rin pala itong Vocalist/Guitarist sa bandang "SINQO", talaga namang bukod tangi itong si Lester. Bukod sa isang actor, delivery driver, gitarista at vokalista din ng banda. Multi-talented talaga itong si lester dahilan para siya'y tularan ng karamihan.

        Nabanggit din ng aktor ang pagtulong sa kanya ng isang sikat na aktres na si Angel Locsin nung mga panahong walang wala siya. Si Lester ay matagal na rinng sumasabak sa pelikula. Sa katunayan, mahigit 30 years na siyang nasa industriya. Nagkaroon na rin siya ng anak sa dati niyang asawa. Kaya naman halos humanga ang karamihan pati na rin ang mga artistang dati niyang nakatrabaho dahil sa pagiging madiskarte niya sa buhay. Halos positive comments ang mga natanggap niya mula sa mga netizen dahil bukod sa pagiging madiskarte nito, mabait at matulungin umano ito kahit sa hindi niya kakilala.

        Sa buhay natin ngayon, hindi na mahalaga kung anung meron at wala tayo, ang mahalaga ay makatulong sa kapwa natin na nangangailangan at higit sa lahat ay magpasalamat tayo sa ating Dyos Amang nagbibigay sa atin ng pagasa at biyaya sa pang araw araw nating buhay. Kaya magsumikap at magtiyaga para sa ating kinabukasan. 

Post a Comment

0 Comments