Advertisement

Ganito Pala Ang Ugali Ni Gretchen Barreto - Cojuangco Sa Tunay Na Buhay


        Marami sa atin na mga Filipino Celebrity ang mga may mabubuting kalooban at mapagkumbaba lalong lalo na sa mga ordinaryong tao lang katulad natin. Isa na lamang dito ang ang naging usap-usapan sa social media tungkol sa kabaitan ni Gretchen Barreto sa kanyang mga kaibigan. Kamakailan lamang ay namahagi ito sa mga kaibigan niyang celebrity din ng mga kahon-kahong mga groceries. At ito ay bilang maagang pamasko niya na rin sa mga kaibigang malalapit sa kanyang buhay. 

        Laking pasasalamat rin mula sa mga nakatanggap ng mga regalo niya. Isa rin si Ellen Adarna sa mga nakatanggap nitong regalo at ang kanyang anak na si Ellias Modesto. Nakatanggap din ang pamilya ni Candy Pangilinan, pati na rin ang knyang dermatologist na si Dra. Ivy ng Ivy Clinic at marami pang ibang mga kaibigang malalapit sa kanya. At lubos rin ang mga pasasalamat nung mga nakatanggap at halos umani siya ng papuri mula sa mga netizen. 

        Talagang nagulat ang karamihan kay Gretchen, dahil sa ipinakita nitong kabutihan mula sa pamimigay ng mga groceries para s kanyang mga kaibigan. Marami rin ang natuwa at nainspired dahil sa kanyang ipinamalas na kabaitan. Kaya mapapasana-all ka na lang talaga sa ginawa ni Mam Gretchen, at dahil sa kabaitan niya nakatanggap din siya mula kay Bing Loyzaga ng isang special na cake na mismong si Bing Loyzaga ang gumawa ng cake na ito.

        Si Gretchen Castelo Barretto ay ipinanganak noong Marso 6, 1970, isang Pilipinong dating artista. Inilunsad siya sa Regal Films '14 Going on Steady bilang isang singer-aktres, kasama ang paglabas ng kanyang debut single na "Going Steady", na nagsilbing soundtrack single sa kanyang debut film. Tonyboy Cojuangco ang pangalan ng kanyang asawa ngayon. Kamakailan lamang kung inyong matatandaan nitong taon lamang ay ipinagdiwang nila ang kanilang ika-27 taong pagsasama noong Martes, Pebrero 2. Kaya hindi kaila kay Gretchen na kontento na siya sa buhay ngayon kasama ang kanyang butihing asawa. Kaya naman maluwag sa loob nito ang tumulong sa kanyang kapwa at mga kaibigang malalapit sa kanya. 

        Noong taong 2017 ng pebrero, sa kanilang ika-23 anibersaryo nag-upload si Gretchen ng isang mapagmahal na mensahe para sa kanyang asawa at sinabi na sa kabila ng pagkakaiba ng kanilang mga mundo, "ang tunay na pag-ibig ay sinasakop ang lahat." Isinulat din niya sa isang post na, "Para sa marami na nakasaksi sa aming relasyon mula sa simula, hinulaan ng karamihan na hindi kami magtatagal ng higit sa dalawang buwan. Ang aking  mahal na Tonyboy, na 19 taong ang tanda sa akin, ay nagmula sa isang mayamang pamilya, isang respetadong negosyante at napakatalino, para sa kaalaman ng lahat. At ako, bilang isang artista lang, nagmula sa labis na kabaligtaran ng mundo at oo, ng ibang lahi at klase. Ngunit eto, narito tayo, sa lahat ng ito, ligtas yata para sa akin na sabihin na ang tunay na pag-ibig ay nasasakop ang lahat. " 

        At yan po ang pahayag ng aktres. Kaya naman ganito na lamang inaabangan ng mga netizen ang istorya ng buhay ni Gretchen sapagkat dahil na rin sa kanyang may kagandahang loob at may malasakit sa kapwa niya. Talaga namang may mabuting puso itong si Gretchen, kaya sana’y tularan din siya ng karamihan na matutong tumulong at magmalasakit sa kapwa.


Post a Comment

0 Comments