Advertisement

Ina Raymundo, Sa Edad Na 45 Malateens Pa Rin Ang Taglay Na Kagandahan

 



        Sa artikulong ito, ay ating paguusapan ang mga bagay at mga pagbabago na nagaganap sa mundong ito. Baka karamihan sa atin ay hindi na alam kung anu anu na ba talaga ang mga nangyayaring pagbabago sa paligid natin. May naglalaho, may sumisibol, may tumatanda at may bumabata. Sa buhay natin, hindi natin hawak ang mga pangyayari at ang mga mangyayari ngunit nasa sa atin ang desisyon at ang kagustuhan na maging, para sa ating sarili. Halimbawa na lamang nito ay pagbabago sa ating panlabas na kaanyuan. Karamihan ay ang mga may kaya sa buhay lamang ang may kakayahang panatilihin ang kisig at kagandahan ng panlabas na anyo. Karamihan ditto ay mga artista.

        Kamakailan lamang ay naging usap-usapan ng mga netizen sa social media ang mga throwback pictures ng isang ina, aktres, singer at modelo na si Rina Marie Padilla Raymundo o mas nakilala natin bilang si Ina Raymundo. Dating modelo ng San Miguel beer noong 1995 sa isang commercial na Sabado Nights. Sa hindi matawarang kaseksihan ni Ina, ay dumami ang tagahanga niya hindi lng sa pagiging aktres nito, kundi dahil na sa pagiging sexy star ng bayan nung araw.

        Kahit noong siya ay bata pa, kahit simpleng kasuotan o simpleng gupit ay halos litaw pa rin ang bukod tangi niyang ganda. Kaya naman halos marami din ang nagkandarapang kalalakihan sa kanya ,hindi lang kapwa niya artista pati na rin ang mga non-showbiz na mga mayayamang negosyante.

        Sa kasalukuyang panahon naman, ay may aswa’t anak na rin si Ina. Mayroon siyang limang anak na sina, Jacob, Erika Rae, Mikaela Jade, Anika Sage at Minka Eve. At syempre ang kanyang asawa na si Brian Poturnak. Talaga naman mas lalo siyang hinangaan ngayon ng mga netizen. Sa kabila ng pagkakaroon ng limang anak at sa edad na 45, ay talaga namang hindi mo mapapansing nagbabago ang kanyang panlabas na kaanyuan.

        Sa katunayan, sabi ng mga netizen halos parang magkakapatid lng kung ihahambing si Ina sa kanyang mga anak na babae dahil sa mukha pa ring bata, sexy pa rin, mas maganda pa rin, at parang hindi man lamang kumulubot ang mukha. Kung titingnan mo eh parang kaedad niya lng mga anak niya dahil sa taglay niyang walang kupas ang kagandahan.

        Para kay Ina, napakahalaga ng kalusugan lalo na ngayong pandemya at kitang kita naman sa kanyang pagsisikap sa paggym para lang mapanatili niya ang malahugis coca-colang katawan. At isa pa dahil sa tumataas ang bilang ng kanyang edad hindi rin mawala sa isip niya tatanda at tatanda din tayo. Kaya naman hanggat malakas pa siya ay hindi niya sinasayang ang mga patay na oras at ibinabaleng niya ito sa pagpapanatili ng kanyang magandang kalusugan at pangangatawan.

        Kaya naman marami sa mga netizen ang tinularan ang kanyang daily routine, at naging inspirasyon din siya sa mga inang katulad niya na gusto rin maging katulad niyang malasweet-16 pa rin ang kutis at pangangatwan. Sana’y maging inspirasyon din si Ina sa karamihan hindi lamang sa mga kapwa niyang artista, maging sa mga ordinaryong tao lang din na nais pangalagaan at panatiihin ang kalusugan ng pangangatawan. Kumain ng tama, ehersisyo sa umaga at umiwas sa anu mang bagay na ikakastress natin.




 

Post a Comment

0 Comments