Advertisement

Isang matanda, matiyaga pa rin sa paghahanapbuhay sa edad na 72.


       
        Sa panahon ngayon, lalo na’t nakakaranas tayo ng pandemya, ay hindi maiiwasan na mayroong mkakaranas ng hirap. Ang iba ay nawalan ng trabaho, nawalan ng tirahan, kapos sa buhay, nawalan ng mga mahal sa buhay, mas tumindi pa ang dinanas na kalungkutan at kabiguan dulot ng pandemyang ito. Hindi lang bata ang nagsisikap at magbanat ng buto para lang makaraos sa pang araw araw na buhay pati na rin mga matatanda na kahit sa paghahanpbuhay ay hindi pa rin sumusuko para lamang may ipangtustos sa pang araw-araw na pangangailangan. 





        Kagaya na lamang ng aming ibabahagi sa inyo sa artikulong ito ang isang matandang si Tony Pano na taga Panas, Candijay, Bohol. Mula sa videong ibinahagi ni Ronald Ancero Casil, na siyang nakapansin sa matanda at tumulong na rin. Ating makikita sa videong iyon na si Lolo Tony ay nagbebenta lamang ng suso, sa gilid ng simbahan habang nakaupo’t hawak-hawak ang asul na timbang may lamang mga suso. Nang si Ronald ay lumapit sa matanda, napansin niyang wala pa itong naibebentang suso. Ni wala pa daw bumibili sa kanya, at hindi man lang daw siya pinapansin ng mga taong dumadaan lng sa kaniya. Talagang nakakaawa ang matanda. Hindi na matiis ng matanda ang gutom, sapagkat ilang oras na siya doon na nagbebenta at wala pang kain sa kadahilanang walang pambili ng pagkain. Sapagkat, kulang na rin ang pera niyang ipapamasahe niya pa pauwi sa kanilang bahay. 

        Sa isang timbang suso na kanyang binbenta, ay lilimang piso lamang ang kinikita niya, at alam nating hindi ito sapat para sa pangangailangan niya sa araw-araw. At dahil na rin sa kahirapan, tiniis ng matanda ang ganitong klase ng hanapbuhay dahil wala na siyang ibang pinagkikitaan pa kundi ang pagbebenta lang ng suso. Buti na lang at may taong katulad ni Ronald na may pusong matulungin at maawain sa kapwa niya nangangailangan. Kaya naman ang videong nakuha ni Ronald ay agad niyang pinost sa social media para makita rin ng kanyang mga followers para na rin matulungan si tatay Tony. 

        Sana’y mapulutan natin ng aral ito, sana’y matuto din tayong tumulong sa kapwa nating kapos at hirap sa buhay. Isipin mo na lang na sa bawat tulong mo na maiaabot mo sa kapwa mo ay katumbas din ng biyayang ating natatanggap, at matatanggap pa sa araw-araw ng ating buhay mula sa ating Diyos Ama. Ipagpalagay na lamang natin na kung tayo ang nasa katayuan ni tatay Tony, malalaman din natin kung gaano kahirap ang kalagayan niya. 

        Talagang mahirap ang maging mahirap. Kaya sa mga kabataang nagbabasa nito, magsikap tayo sa buhay habang bata pa, mag-aral ng mabuti, tumulong sa magulang, magsumikap makatapos sap ag-aaral upang sa huli ay hindi natin maranasan ang nararanasan ni tatay Tony.

Post a Comment

0 Comments