Advertisement

Mga Dating Artista, Dakilang Doktor Na Ngayon


 

        Tayong mga ordinaryong tao ay may mga pangarap sa buhay na gustong maabot. Alam nating lahat, na bago natin makamit ang mga pangarap natin ay kailangan itong pagsikapan at pagtiyagaan. Ngunit hindi lamang tayong mga ordinaryong tao ang nangangarap din, pati na rin ang mga may profession na at gayon din ang mga dakilang pinoy celebrity. 

        Sa artikulong ito, ating paguusapan ang mga artista noon na minsan pa’y nangarap din maging isang ganap na mga doctor at ngayon ay tuluyan na nilang nakamit ito. Isa na rito ang dating sikat na singer/aktor na mas piniling tuparin ang maging doctor at iwan ang kanyang career sa pagkanta. Mas pinili niya maging isang dakilang doctor upang makatulong sa mga nangangailangan na mga may sakit at karamdaman. 

        Alam nating lahat na napakahalaga ang role ng mga doctor para sa ating lipunan. Sila ang nagbibigay ng pagasa sa mga may malalang mga sakit na muling makabalik sa dating lakas ng pangangatawan. Kaya naman ganun na lamang ang pagsususmikap ng dating singer/aktor na ito upang maging isang ganap na doctor na ngayon. 

        Siya ay si Josh Santana, nagsimula siyang maging actor/singer sa isang series na Bituin na nagging stepping stone niya para maging isang mahusay na mang-aawit. Ilan sa mga narelease nitong mga kanta ay ang “Hindo ko kaya, Muli, Mahal na mahal ko siya, Nasaan ka, Maibabalik ko ba, at marami pang iba. Si Josh ay half Spanish at half Filipino, kaya naman may mga narelease din siyang mga kanta na hango sa salitang espanyol. Ito ay ang “Eres tu, Historia de un Amor at Eres Mio. Noong 2012, ay tuluyan nan gang tuparin ni Josh ang pangarap niyang maging isang doctor at iniwan na ang buhay showbiz. Nakapagtapos naman siya ng kanyang pagiging doctor sa FEU ( Far Eastern University ) noong 2016. At noong 2018, ay naipasa niya ang Medical Licensure Examination.  

        Kabilang na rin dito si Aura Azarcon, isang dating PBB housemates. Kabilang siya sa Adults chapter at napasama rin sa Lucky House Finalist bilang dream team ng PBB. Si Aura ay dating Medical Intern na sa hospital ng maynila bago pa siya nakapasok sa PBB at nakatakda na ang kanyang Physician Board Exam sa mga sumunod na taon. At nang makalabas siya ng PBB pagkatapos ng dalawang taon ay agad itong napasabak sa Physician Board Exam at agad niya itong naipasa sa unang take lang. 

        Si Aura pala ay nanggaling din sa isang pamilya ng mga doctor din. Kaya naman hindi rin nakapagtataka na nasa dugo nila ang mga mahuhusay na doctor at kaya naman madali niya lang naipasa ang exam. Sa katunayan ay dalawa sa mga kapatid niya ay isang dentist at ang isa naman ay nurse. Bago pa man sumabak sa PBB itong si Aura ay mayroon na itong website blog na kung saan ay ibinabahagi niya ang ilan sa medical tips and advices. 

        At sa kasalukuyan, ay mayroon na rin siyang Youtube Channel na kung tawagin ay DoktAura. Sa channel na ito ay nagbibigay din siya ng payo sa mga nais din maging isang doctor katulad niya. At kasalukuyan siyang nasa North Dakota, USA na ngayon para sa isang family medicine residency training at magtatapos siya sa 2023. At yan po ang iilan lamang sa mga dating artista na isang ganap ng doctor ngayon. At marami pang ibang celebrity din hindi lang pagiging doctor ,may iba’t ibang propesyon na rin tinatahak ngayon at naging matagumpay na rin sa kanilang buhay.

 


Post a Comment

0 Comments