Advertisement

Migz Molino, itutuloy ang mga pangarap ni Noeme Tesorero


    Ilang araw na rin ang nakalipas matapos mailibing ang dating actress na si Noeme “Mahal” Tesorero. Ganun pa man, hindi maalis sa puso at isipan ng mga tao ang iniwang alaala ng dating aktres. Sa katunayan, nakatuon pa rin ang mga netizen sa mga kaibigang iniwan nito. Isa na dito ang pinakamatalik at kinikilalang boyfriend na si Mygz Molino isang actor, model at kasama sa isang bahay o kalive-in partner ni mahal. 

    Masasaya at hindi malimot limot na alaala ang iniwan ni mahal sa kanyang partner. Masakit man ito para sa pamilya, kaibigan at sa mga taong sumusuporta sa kanya bilang isang actress at komedyante, ngunit mas higit itong mas masakit para sa kanyang partner na si Migz na nakasama niya hanggang sa huling sandali ng buhay ni Mahal. Malaki rin ang pasasalamat ng mga kapatid ni Mahal kay Migz dahil sa hindi nito pagpabaya at pagalaga sa kanilang kapatid hanggang sa huli.

Sa kasalukuyan, ayon sa mga kaibigan at mga kalilala, laging tulala at hindi makausap ang lagay ngayon ni Migz.

    Lagi raw itong nakaupo lang sa labas ng kanyang bahay at nakatitig lang sa mga halamang itinanim ni Mahal. Halos ilang araw na walang gana sa pagkain si Migz matapos mailibing si Mahal. Halos nagkukulong na lamang sa kwarto ang actor at humahagulhol. Sa ngayon, may ubo na rin at sipon ang actor.

     Ipinagdarasal din ng mga kaanak na sana’y maging maayos na ang kalagayan ni Migz. Hanggang ngayon ay nagluluksa pa rin si Migz at talagang hirap siya sa pagtanggap ng pagkawala ni Mahal. Pero marami pa ring handang dumamay sa kanya upang makabangon siyang muli mula sa pagkadalamhati nito.

    Ipinaliwanag naman ng kapatid ni Mahal na si Jayson Tesorero na wala umanong inihabilin si Mahal ukol sa kanyang naiwang yaman at ari-arian dahil biglaan ang pagkamatay nito. Kailangang dumaan sa proseso “ hayag ni Jayson. Nagsilabasan na rin sa social media ang mga dating asawa ni Mahal at ayon sa mga netizens, posible umanong maghabol ang mga ito sa mga ari-arian niya. Ngunit nilinaw naman ng dating kinakasam ni Mahl na si Jovy, na wala siya umanong ni kaunting interest sa ari-arian ni Mahal.

     Ikinasama rin ng kanyang loob ang paggamit ng kanyang pangalan ng mga vloggers ukol sa pagdadawit nito sa paghabol ng mana ni Mahal. Hiling niya rin na sana itigil na ang pagdadawit sa kanyang pangalan ukol sa isyong ito at sana raw ay respetuhin na lang pagkamatay ni Mahal. Nangako naman si Migz na ipagpapatuloy niya ang iniwang mga plano at pangarap Mahal para sa kanyang pamilya at kaibigan. 

Post a Comment

0 Comments