Advertisement

70 year-old at 20 year-old ikinasal. Mga netizen hindi makapaniwala.

 

 

 

Pagdating sa pag-ibig, marami sa atin ang nagiging inspirado sa buhay, at nagkakaroon ng magandang kinabukasan dahil sa pag-ibig. Talagang makapangyarihan ang pag-ibig na kahit sino man ay mahirap itong ipaliwanag. May kasabihan nga tayo na “bulag ang pag-ibig”, at ang iba na man ay sinasabing walang edad na pinipili ang pag-ibig dahil hindi sukatan ang gulang kapag tayo’y nagmamahal.

 Ngunit sa kabilang banda, kapag ang isang babae o lalaki ay nag-asawa ng isang matanda o matandang mayaman ay hindi maiiwasang sabihin ng iba na yaman lang dahilan kung bakit. Iilan lang ang nakakaunawa sa ganitong mga pangyayari. 

 

Kaya naman ating paguusapan ngayon ang isang nagviral na posts sa social media sa Thailand. Na kung sa unang tingin ay para bang nagkaroon ng 18th birthday lng ng isang dalagiat. Ngunit isang engrandeng kasal ang naganap na kung inyong masasaksihan ay kahit pati kayo ay magugulat sa inyong makikita. Isang batang babae sa edad na 20-taon ay nagpakasal sa isang 70-year old na lalaki. Kaya naman marami ang hindi makapaniwala na kung iisipin mo ay isang lolo lang ang isinasayaw ang kanyang apo.

 




Ang naturang matanda ay kinilala sa pangalang Mr. Chana Jiralerspong na isang mayaman at nagmamay-ari ng isang Khao Shong Industry na coffee empire sa Thailand. Ngunit ang pinagtatakahan ng mga netizen, ni hindi man lamang siya ikinasal pa gayong matanda na siya. Ayon sa isang ulat, dahil sa abala sa buhay itong si Mr. Chana sa kanyang mga negosyo kaya ganun na lamang nakalimutan niyang may isang bagay pa siyang hindi na niya nararanasan, ito ay ang pagaasawa.

 

Kaya naman sa isang 20 anyos siya nabighani na para bang gustong niyang balikan ang kanyang pagiging binatilyo noon. Ngunit hindi ipinakita o ibinahagi sa sosyal medya ang pagkakakilanlan tungkol sa 20-anyos na babae. At ayon din sa ulat sa isang FB page na “big kren”, ibinahagi doon ang mga kuhang larawan ng naganap na kasalan. At doon din nalaman ng mga netizen na nabiyayaan umano ng 20M baht na nagkakahalag ito sa Pilipinas ng mahigit Php 30 milyon. Kaya naman, mga netizen hindi na naman napigilan ang pagiging marites at marife. 

 


 

Ngunit kung inyong masasaksihan sa isang larawan, hindi mo masasabing kaya lamang nagpakasal ang babae dahil sa yaman ng matanda. Talagang mahal ng dalagita ang matandang iyon, at makikita mo sa mukha niya ang hindi maipaliwanag na galak at kasiyahan.

 

Ayon kay Mr. Chana, “We have already agreed on the wedding date, so no matter where I am in the world, I will come back to meet my wife on the day,”.

 

Post a Comment

1 Comments

  1. Congratulations God Bless both of you....💞💞💞

    ReplyDelete