Advertisement

Netizens nagulat sa ginawa ng isang vlogger sa 71 year-old na matanda

 


Sa panahon ngayon, hindi madali ang mabuhay lalo na kung wala kang pinagkukunan ng souce of income. Marami sa ating mga Pilipino ang nakakaranas ng ganitong sitwasyon. May mga taong kahit nakaupo lng, at hindi pinagpapawisan sa trabaho ngunit malaki ang kinikita. Mayroon ding halos todo kayod sa buhay, pawis at gutom para lang kumita ngunit hindi pa rin sapat at halos kulang pa ang kinikita para sa pangaraw-araw na gastusin. Kaya naman ang iba halos umaasa na lamang sa tulong ng kamag-anak, kaibigan at kakilala.

Marami rin sa atin kahit matatanda na, wala pa ring pahinga sa paghahanapbuhay. Kagaya na lamang ng isang matandang ito na sa edad 71 ay nagagawa niya pa ring magtinda ng ice cream. Sa pamamagitan ng isang lalaking ito na isa palang vlogger ng Team Katagumpay na nakapansin sa matandang nagtitinda ng ice cream sa gilid ng kalsada.

Sa tulong ng vlogger, naihayag ang kanyang totoong buhay sa social media at umagaw ito ng pansin sa mga netizen. Habang nagaantay ng customer ang matanda, nilapitan ito ng vlogger dahil tila hindi ito masaya sa ginagawa niya. Kapansin pansin ding tila malalalim ang iniisip nito, kaya naman nagkaroon ng pagkakataon ang vlogger upang kausapin ang matanda.

Kaya naman doon niya nalaman ang edad, tirahan at kung anung status ng buhay ng matanda. Wala nang ibang kamaganak ang matanda kaya naman hindi na ito tumigil sa paghahanap-buhay para may pangtustos siya sa araw-araw niyang buhay. Matiyaga ang matanda kahit bibihira ang bumibili sa kanya siguro dahil sa panahon natin ngayon talagang mahirap ang buhay kung kaya mas nagtitipid na ang mga tao ngayon. 

 


 

Biglang naawa ang vlogger sa naging pahayag ng matanda kaya naman napagdesisyunan nitong bilhin niya na lamang lahat ng ice cream na ibinibenta ng matanda. Binili niya ito sa halagang isang libong piso na katumbas ng kita niya sa loob ng dalawang araw. Hindi matatawaran ang sayang naramdaman ng matanda dahil sa ginawa ng vlogger sa kanya. Laking pasasalamat niya dahil sa mayroon pa ring magaganda ang kalooban na handang tumulong sa mga katulad niyang matanda na at hirap pa rin sa buhay.

 

Post a Comment

0 Comments