Advertisement

Anak ng isang company driver, Licensed Chemical Engineer na ngayon

 

 



Karamihan sa atin ay may matataas na mga pangarap sa buhay na gusto natin makamit. Lahat tayo ay gustong gumanda ang ating kinabukasan lalo na sa panig ng mga kabataan at mga magulang. Ngunit paano natin ito makakamit kung wala tayong tamang daan upang makarating sa ating kinabukasan. Edukasyon; alam naman nating lahat na napakahalaga sa buhay natin ang may sapat na edukasyon, o nakapagtapos ng pag-aaral. Base sa pagsusuri ng mga eksperto, marami sa mga Pilipino ang naghihirap dahil sa kakulangan sa edukasyon. Kaya naman nagiging hadlang na rin sa kanila ang kahirapan lalo na sa mga kabataan upang hindi sila makapag-aral.

Ngunit salungat ito sa pananaw ng ating isang kababayan mula sa Lungsod ng Legaspi sa Albay. Para sa kanya, hindi hadlang ang kahirapan para makamit ang magandang kinabukasan. Sa halip, ito’y magsilbing inspirasyon, at maging dahilang upang lalo pang magsumikap lalo na sa pag-aaral. Siya ay walang iba kundi si Al Christian Regorgo Gobres, anak ng isang driver ng pribadong kompanya. Si Al ay nagtapos sa UP Diliman sa edad na 22 at isa siya sa nangungunang nakapasa sa Licensure Examination bilang Chemical Engineer nito lamang nakaraang Oktubre taong kasalukuyan.  

 


Hindi kaila ang galing at husay niya dahil “honored-student” na talaga ito mula noong siya nasa elementarya pa lamang, at nagkamit din ng mataas ng karangalan noong siya’y nakapagtapos sa PhiSci High School taong 2015 sa tulong na rin ng DOST scholarship program.

Si Al ay nanggaling sa isang mahirap na pamilya , at mas piniling lumayo sa kanila upang makapag-aral sa isang mataas na antas ng paaralan. Si Al ay DOST scholar, na kung saan ito ang nagtaguyod sa kanya para makapagtapos ng pag-aaral. Samantalang, hindi naman nagpabaya ang mga magulang at kapatid niya sa pagsuporta sa kanya.

Hindi na niya inisip ang hirap na dinaranas sa kabila ng pandemya basta’t ang mahalaga sa kanya ay makapagtapos siya upang may ipagmamalaki siya sa kanyang mga magulang at kaanak. Determinasyon at dedikasyon ang pinairal niya upang magpursiging makatapos. Marami ding pagsubok na dumaan sa buhay ni Al na minsan na rin niyang naging kahinaan upang naising sumuko na lang. Ngunit hindi siya nagpatinag, kinailangan niyang panindigan ang pangarap niyang gustong maabot para sa mga magulang niya at para na rin sa kanyang kinabukasan.

Kaya naman ngayon, isa na siyang ganap na Licensed Chemical Engineer. Sabi nga ng karamihan, ang edkusyon ang siyang susi sa tagumpay ng bawat isa.,

"Whatever happens, we may fail a lot and we may struggle a lot but let's use those struggles and mistakes para mas maging malakas tayo. And we will come back stronger when we face those problems again," banggit pa niya .

Walang imposible sa nagpuporsige, kaya naman dapat tularan ng ibang mag-aaral ang katatagan ng loob at determinasyon na meron si Al upang makapagtapos sa pag-aaral. Sana'y magsilbing inspirasyon ito sa mga mag-aaral upang makamit din nila ang mga panagarap para sa kinabukasan ng kanilang pamilya.

Post a Comment

0 Comments