Advertisement

Daniel Padilla, hindi na masaya sa nangyayari ngayon sa kanyang mga magulang

 




Nito lamang mga nakaraang buwan ay katatapos lamang ng pagfile ng mga kandidato’t kandidatora para sa halalan 2022. Hindi lamang mga dating politico ang mga tatakbo ngayong halalan 2022, pati na rin ang ilan sa mga celebrities na gustong pasukin na rin ang pulitika. Kabilang na ditto ang mga magulang ni Daniel Padilla na si Karla Estrada at Romel Padilla.

Kaya naman pahayag ni Karla nitong mga nakaraan sa social media ay nababahala ,at stressed daw ngayon si Daniel Padilla sa dahil sa parehong tatakbo itong si Karla at Romel. Tatakbo bilang partylist representative si Karla samantalang isang Local Position naman ang kay Romel sa Nueva Ecija. 


 

Kaya naman hindi mapigilan ni Daniel na mastress, dahil sa ayaw talaga nitong mainvolve sa pulitika ang kanyang mga magulang. Hindi niya rin kasi talaga gusto ang tungkol sa buhay pulitika kaya naman hangga’t maari ito’y kanyang iniiwasan.

Nabahala din ang actress na si Karla para sa pagsuporta ng anak gayong malayo ang mga ito sa isa’t isa. Ika ni Karla, hindi raw dahil sa gusto niyang tumakbo, ito raw ay dahil sa tawag ng kailangan na hindi niya matanggihan ang hiling sa kanya ng mga supporters niya. Hindi kasi kaila sa pamilyang Padilla ang may nasa dugong pulitiko noon pa man. 

 


 

Ayon kay Karla, sumangayon na lamanng din naman daw si Daniel sa naging desisyon nila ni Romel. Kaya naman hindi na rin nagdalawang isip si Daniel na sumuporta na lamang dahil sa mahal niya ang kanyang mga magulang. Ngunit wala raw marinig ang dalawa kay Daniel, ukol sa naging desisyon nila sa halip ipinapakita niya na lamang ang malasakit at pagsuporta nito sa kanila. Ang tanging nais lang naman daw ni Daniel ay maging masaya lang sila sa gusto nila at handa raw siyang sumuporta na lamang.

 

Post a Comment

0 Comments