Advertisement

Free Petchay para sa mga kapitbahay

 


 

Sa panahong ito ng pandemya marami sa ating mga Pilipino ang naapektuhan ang kani-kanilang mga kabuhayan pati na rin ang kalusugan. Mayroong iilang nawalan ng trabaho at hanapbuhay. Kaya naman napilitan na lang manatili sa sa kani-kanilang bahay at ang iba naisipan na lang ding magtanim na lang ng mga gulay sa kanilang bakuran.

Kagaya na lamang ng isang pamilyang ito sa Camarines Sur ang ginawang libangan ang pagtatanim ng gulay tulad ng pechay, sitaw, kalabasa, at iba pa. Sila ang pamilyang Furio ng Brgy. Rongos, Libmanan Camarines Sur na umuwi na lamang sa nasabing probinsya noong ipinatupad ng gobyerno ang ECQ sa buong kamaynilaan.

Ang pagtatanim ng gulay sa bakuran ang talagang bahagi na ng pang araw-araw na gawain ni Nancy Furio na isang magulang ng nasabing pamilya.  Ito raw ang kanilang ginagawa upang hindi nila maramdaman ang epekto ng pandemyang ating nararanasan. At hindi lamang yan, ang kanilang itinatanim palang gulay sa tuwing sila’y naghaharvest, ay ipinamimigay  lamang pala ito sa kanilang mga kapitbahay. Paraan daw nila ito upang makatulong sa ibang mga nangangailangan sa gitna ng Covid-19 na ating nararanasan ngayon. 

 


"Dahil po sa ECQ (enhanced community quarantine), 5 out of 6 po sa aking mga anak ay umuwi sa bahay. Naisipan namin na magtanim kami ng pechay, para mabigyan din namin ang mga kapitbahay ng pangdagdag na masustansiyang pagkain sa kanilang mga mesa," aniya ni Nancy.

"Gumagamit din kami sa garden ng repurposed plastic bottles. Imbes itapon or sunugin, mapapakinabangan pa ulit as garden plot. Kailangan lang maging mas creative.... Hindi din namin tinatapon ang mga lumang bag. Imbes bumili ng bagong pots, puwede na itong substitute," dagdag pa nito.

Isa isa silang abala sa kani-kanilang gawaing pagtatanim at nagpagalingan pa sa kung sino ang may pinakamaganda at pinakamaraming ani.

Nito lamang nakaraang Mayo, naging matagumpay ang kanilang pamamahagi ng libreng pechay pagkatapos nitong makapagani ng sapat para dito. At ang nakakamangha pa rito, ay muli nilang ginamit ang mga ginamit nila sa pagtanim katulad ng plastic bag, plastic bottle, at iba pang mga kagamitan upang maiwasang makapagdulot ito ng basura sa kapaligiran. At para na rin daw makaiwas sa panibagong gastos sa pagbili ng mga gamit sa pagtatanim.

Nakakataba raw ng kanilang puso ang pagtulong sa kapwa, at nagsisilbing “quality time” para sa kanila ang pagtatanim ng sama-sama sa loob ng bakuran.  At dahil dito, maraming mga netizen ang namangha sa kanilang ipinamalas na kabutihan sa kapwa at tinularan pa nila ito. Kaya naman hindi na mawawala sa pinoy ang pagiging matulungin sa kapwa. Sana dumami pa ang katulad ng pamilyang Furio na mapagmahal at matulungin sa kapwa.

 

 

Post a Comment

0 Comments