Advertisement

Ganito pala ang nangyari kay Klaudia Koronel matapos iwan ang showbiz




 
Ganito na pala ang sitwasyon ngayon ng buhay ng dating sikat na artista na si Claudia Coronel matapos iwan ang showbiz career. Ang dating kilalang actress na halos hinangaan din ng mga netizen dahil angking galing nito sa pag-arte. Taong 1990 nagsimulang ang career nito sa showbiz hanggang taong 2000. Una siyang nakilala sa pagganap sa pelikula na pinamagatang “pisil”, at “kesong puti”. Naging cast din siya ng isang comedy movie na pinamagatang “torotot” noong 2001 kasama ni Leo Martinez, at Eddie Garcia sa isa pang pelikulang “ kapitan Ambo outside ni kulambo”. 
 
 


Bukod sa pagiging sexy star nito, ay ipinamalas niya rin ang kanyang galling nito sa showbiz industry, at ginawaran ng isang “best supporting actress” sa mga napagtagumpayan niyang mga pelikulang ginanapan. Ngunit sa kabila ng mga nagawa niya sa showbiz, marami ang nagulat at nalungkot ng malamang iiwan niya ang kanyang career sa showbiz. Sa kadahilanang, ipagpapatuloy niya ang kanyang pag-aaral upang matupad niya ang dating pinapangarap niya para sa kanyang magiging kinabukasan. 
 
Nagaral siya sa New Era University at nakapagtapos bilang Bs Computer Science taong 2005. At nang dahil dito, naisipan niyang magtayo ng sarili niyang negosyo ang computer shop/internet cafĂ©. Bukod pa diyan ay nakapangasawa din siya ng isang negosyanteng intsik na half-american taong 2009 na long-time boyfriend niya rin. Nagkaroon din sila ng isang anak at naninirahan sa America. 

 
Naging maganda ang lagay buhay nila doon. Ngunit sa hindi inaasahan ng karamihan, hindi rin pala nagtagal ang kanilang pagsasama nila doon sa kadahilanang hindi sila parating nagkakasundo sa mga desisyon. Kaya naman humantong sa puntong magpasyang magdiborsyo na lamang at ito’y taong 2014. Sa katagalan naman ng kanilang hiwalayan, ay nanatili pa rin silang magkaibigan. Ngunit hindi lamang ito ang nangyari kay Claudia, nadiagnose din siya sa isang malubhang sakit na “Uterine growth” noong 2016. Kaya naman sumailalaim siya sa isang operasyon at sa awa naman ng Diyos ay napagtagumpayan din ito. Sa kasalukuyan, si Claudia ngayon ay nagtatrabaho na bilang isang certified nursing assistant sa Los Angeless California at kasama ang kaniyang pamilya.




Post a Comment

0 Comments