Advertisement

Isang delivery boy, rollerblade skater lng ang gamit sa paghahatid ng produkto

 



 

Sadyang masisipag ang mga pinoy at madiskarte lalo na sa panahon ngayon. Sa hirap ng buhay kinakailangan nating magsumikap at gumawa ng paraan upang magkaroon ng pagkakakitaan. Kung tutunganga lamang tayo at aasa sa tulong ng iba hindi tayo makakasurvive sa buhay na ating tinatahak.

Ngunit merong iilan na kahit nasa murang edad ay nagagawang dumiskarte upang kumita. Siya si Kean Arcilla Ramos, ang skater-boy ng muntinlupa na umagaw ng atensyon sa karamihan dahil sa kanyang abilidad sa pagdideliver ng anumang produkto gamit ang kanyang rollerblade skater. Talaga namang kakaiba ang kanyang pamamaraan sa ganitong trabahao para lamang magkaroon ng ikabubuhay.

At kahit umulan-umaraw ay hindi siya kayang hadlangan sa kanyang paghahapbuhay. At dahil na rin sa hindi pa ito makakapagmaneho ng motor sa kadahilanang wala pa itong driver’s license kaya naman ginamit niya ang kanyang kakayahan sa paggamit ng skater. Malaking tulong ito para sa kanya dahil sa agresibo siyang tumutulong sa kanyang mga magulang. Kaya naman laking tuwa ng kanyang mga magulang lalo na ang kanyang ama na may sakit at hindi na nakakapagtrabaho.  

 

 

 

At dahil na rin sa social media, nakilala siya ng mga netizens at hinangaan ito dahil sa kasipagan nito at marami din ang naawa sa kanyang kalagayan. Kaya naman merong isang kilalang tao ang isa rin sa nakaagaw ng pansin tungkol sa kanya. Siya si Gretchen Ho, isang sikat na atleta noon na nagkaloob sa kanya ng isang bagong bike upang mas mapadali at mapaalwan ang kanyang paghahatid ng mga produkto. Laking pasasalamat ng binatilyo dahil sa kabutihang ipinamalas ng atleta. Pinuri ng karamihan ang bukod tanging angking galing sa diskarte ni Kean at dahil na rin sa kanyang pagiging matulungin sa kanyang mga magulang sa edad na 18.

Kaya sa buhay natin, walang anumang hadlang ang maaring sumira sa diskarte natin basta pursigido at determinado sa buhay. At sana marami pa ang katulad ni Gretchen Ho na handang tumulong sa mga katulad ni Kaen na madiskarte sa buhay.

 

Post a Comment

0 Comments