Advertisement

Isang sanggol ang isinilang sa loob ng eroplano; Mga pasahero nagulat sa nangyari.

 



Naging viral ngayon sa social media ang isang nanganak na babae sa loob ng eroplano. Marami sa mga pasahero ang hindi alam na siya pala ay buntis. Mabuti na lang mayroong nurse at doctor na mga pasahero din sa loob ng eroplano. Kaya naman naging ligtas ang babae at ang isinilang niyang bata sa tulong ng mga nurse at doctor.

Lavinia Mounga ang pangalan ng naturang buntis na nanganak. Siya’y nakatira sa Salt Lake City, Utah at ayon sa doctor 29 na lingo pa lamang ang baby na isinilang at pinangalanang Raymond. Laking pasasalamat ng babae dahil sa tulong ng isang doctor na nagngangalang Dr. Dale Glenn at gayon din sa tatlong nurse na sina Amanda Beeding, Mimi Ho, at Lani Bamfield. 

 

photo credit to owner

 

Ngunit dahil wala sila sa hospital, kulang ang mga gamit sa eroplano at walang dalang mga gamit ang mga nurse at doctor na ito. Narito ang ilang mga paraang ginawa nila upang mapagtagumpayan ang nasabing pagpapanganak. Shoelaces na pang putol sa umbilical cord, microwaved bottles para sa batang bagong silang na mabigyan ng init, at relo para sa pagsukat ng heart rate ng bata. 

Maraming mga netizen ang humanga sa bayaning doctor at nurses na ito dahil sa maparaang operasyon nila at sa pagtulong nila sa babae para lang mailuwal ng ligtas ang bata. Kaya naman sa loob ng mahigit tatlong oras nila sa biyahe ay naging ligtas naman ang ina at ang baby. 

 

 The emergency personnel took “great care” of the baby upon arriving in Hawaii”, sabi ni Dr. Glenn. Hindi malaman ni Lavinia kung paano niya ito masusuklian ang ginawang pagtulong sa kanya ng mga ito. Talagang napakaswerte niya, dahil kung iisipin mo na parang hindi nagkataon lang na nagkaroon siya ng kasabay na mga doctor at nurse sa eroplano. Kaya naman, una-unang pinasalamatan ni Lavinia ay ang Dyos dahil sa gabay at tulong Niya. Paano nalang kung wala siya kasabay na mga doctor at nurse doon? Kaya napakablessed niya at naging matagumpay ang kanyang pagsilang sa bata. 

 

photo credit to owner


Samantala, isang buwan mananatili ang baby sa Hawaii Hospital. Ayon kay Lavinia, napakaswerte niya raw dahil mayroong doktor at mga nurse na tumulong sa kanya  Kaya naman ganito ang sabi ni Lavinia “The experience here has been so good. It just feels comforting and everyone’s willing to help and always checking on us,”

 

 

 

 

Post a Comment

0 Comments