Advertisement

Kilalanin ang mga half sisters ni Kc Concepcion

 

 



Si Kc Concepcion ay isang kilala actress, at nagiisang anak ni Gabby Concepcion – Sharon Cuneta. Noong bata pa lamang si Kc, ay hindi na nagtagal ang pagsasama ng kanyang magulang kaya naman sa kalaulan ay nagsipag-asawa na rin  ito at nagkaroon ng bagong pamilya. Samakatuwid, nagkaroon ng half-sisters itong si Kc ngunit siya ang pinakapanganay sa mga ito. Sila ang mga half-sister ni Kc sa side ng kanyang ama at maging sa kanyang ina. Kaya naman ating kilalanin ang mga half-sister ni Kc concepcion.

1.     Cloie Syquia Skarne

 

Siya ang anak ni Gabby concepcion sa isang dating actress na si Jenny Squia, na ipinanganak noong august 17, 1994 sa Sweden. Siya isang beauty queen na naging isang candidate ng Ms. Sweden taong 2018. Talagang kinahiligan na niya ang pagsali sa mga beauty pageant. Kagaya ni Kc kinahiligan niya rin ang pagkanta.

2.      Garrie Concepcion

 

Isa pang anak ni Gabby, sa isang pang dating karelasyon na si Grace Ibuna. Siya ay ipinanganak noong December 23, 1998 at nakapagtapos ng kursong Hotel restaurant and Institution Management sa La Salle Colege of Saint Benilde. Taong 2011 ay sumabak na rin  siya sa mundo ng showbiz. At katulad din ni Kc, may angking galling din ito sa pagkanta kaya naman nagkaroon din siya ng single album mula sa star record na pinamagatang “relax lang tayo”. Hindi naman na naging tutol ang ama nito sa pagpasok niya sa mundo ng showbiz kumapara noong una na halos ayaw itong payagan. 

 

3.      Samantha and Savanah Concepcion

 


 

Ang dalawa ay anak ni Gabby kay Genevieve Yatco Gonzales. Si Genevieve ay pinakasalan ni Gabby noong  2004. May mga iilang panahong magkakasama ang magkakatapatid na sila Kc, Samantha at Savanah. Gayun pa man ay hindi pa rin mawala ang bonding ng magkakapatid na ito kahit magkakaiba sila ng ina. Nangingibabaw pa rin sa kanila ang pagmamahalan bilang magkakapatid.  

 

4.      Miel Pangilinan


 

Si Meil ay ipinanganak noong September 2, 2004. Pangalawa siya sa anak ni Mega Star Sharon Cuneta at Sen. Kikko Pangilinan. Makikita naman sa mga posts sa social media account ni Kc ang bonding ng dalawa. Kahit pa man magkaiba ang kanilang ama ay makikita ang pagmamalasakit at pagmamahalan ng dalawa bilang magkapatid.

 

5.    Frankie Pangilinan


Panganay na anak ni Sen. Kikko Pangilinan at Sharon Cuneta – Pangilinan na ipinanganak noong December 20, 2000. May mga balitang nagkalat sa social media na nagkaroon daw ng issue si Kc at Frankie noong bumisita si Kc sa Condo nila Sharon at Sen. Kikko noong new year. Hindi raw nagpapansinan sina Kc at Frankie ayon sa mga netizen base sa kanilang nakita sa social media. Ngunit hindi rin nagtagal ay nagkaayos din ang dalawa nong January 2021. Makikita sa ilang posts na magkasama na ang dalawa at magkaayos na. Talaga namang kahit anong gawin ng magkakapatid, magkaroon man ng hindi pagkakaunawaan, ngunit bandang huli ay mangingibabaw pa rin ang iisang dugo nananalaytay sa ugat ng pinanggalingan bilang magkakapatid.  

Post a Comment

0 Comments