Advertisement

Mam Sharon Cuneta, tagumpay sa kanyang weight loss challenge

 



Usong-uso na talaga sa  panahon ngayon ang pagpapapayat lalo na sa mga may mga mabibigat na timbang. Maging noong unang panahon din ay marami rin sa ating mga pinoy na may mga malalaki at mabibigat na pulgada na ngayon ay matitikas at payat na ang pangangatawan dahil sa pagiging pursigido. Pero marami din ang mga nabigo, at nawalan na rin ng pagasang pumayat pa. Sa katunayan may mga tao ring malalakas kung kumain pero hindi tabain, merong ding iilan na konteng carbs lng halos kilo-kilo na ang dinadagdag na timbang bawat taon.

Meron din iilang mga celebrity na halos ganito rin pinagkakaabalahan sa buhay ang pagpapapayat at pagpapataba. Isa na lamang dito ang sumubok ng humigit kumulang anim na taon upang magpapayat walang iba kundi ang ating Megastar na si Mam Sharon Cuneta. Minsan na lamang siyang napansin ng mga netizen na tila walang tigil sa paglobo ang kanyang pangangatawan kaya naman hindi ito nag-atubiling magbawas ng timbang. 

Nagsimula siyang magbawas ng timbang noong 2016 ng Enero at sa kagustuhan na rin niyang maging healthy ang kanyang katawan para na rin sa kapakanan ng kanyang mga mahal sa buhay. Sa maraming pagsubok niya at mga paraang ginamit upang hindi na tuluyang tumaba pa at maging successful sa kanyang ginagawang pagpapayat. Hindi rin nagging masama ang resulta, bagkus nagging matagumpay siya paunti-unti. 

 


Sa kabila ng kanyang pagpapapayat, inakala ng karamihan na umiwas na siya sa pagkaing sagana sa carbohydrates ngunit hindi pala, bagkus nagkaroon lamang ng paglilimita sa pagkain nito. Ngunit ang totoong binago niya sa sarili niya ay ang pagkaing matatamis na isa sa nagdudulot ng pagtaba, at sa katunayan nagkaroon pa siya lalo ng interest sa pagsswimming at iba pang mga sports. Kaya marami ang nakapansin na mas naging athletic siya ngayon hindi tulad noon. 

Marami rin sa mga netizen ang pumuna sa kanyang pagbabago at umani pa ito ng papuri. Naging inspirasyon din ito sa karamihan upang maging matiyaga at maging matatag sa kung anu man ang gusto mo sa buhay.

Post a Comment

0 Comments