Advertisement

Manny Pacquiao, ibebenta ang kanyang Luxury Mansion sa Forbes Park sa nakakalulang halaga.

 


Naging usap-usapan ngayon sa sosyal media ang mga post ng mga larawan kung saan makikitang ibinebenta umano ng ating pambansang kamao na si Senator Manny Pacquiao ang kanyang Luxury Mansion sa Forbes Park sa Makati. Makikita ang naturang post sa Presello.com na kung saan nakalagay ditto ang presyo ng nasabing mansion.

Kamakailan lamang ay nagkakahalaga lamang ito ng humigit kumulang P400 milyon, ngunit nalula ang karamihan nang makita ang halaga ngayon ng mansion na umabot sa P2.3 bilyon. Taong 2011 ito nabili ng ating pambansang kamao para sa kanyang butihing asawa na si Jinky bilang peace offering sa kabila ng kanilang hindi pagkakaunawaan sa mga naranasang mga suliranin sa kanilang pamilya. Ika nga nila gaano ka man kayaman o makapangyarihan, talagang hindi maiiwasan ang mga balakid at pagsubok sa buhay na hindi natin mapipigilan bagkus kayang lampasan. 

 

 

 

Marami sa mga netizen ang nakakita sa post na ito, at kinumpirmang ito nga ang bahay ni Sen. Manny sa Forbes Park. Naibalita din nung nakaraang taon na ibinebenta rin ito sa halagang 1.5 milyong piso. Kaya naman mga netizen ay nagtataka kung bakit gusto itong ibenta ng ating pambansang kamao. Ayon kay Sen. Manny, nahihiya raw siya sa mga kapitbahay niya sa Forbes Park dahil sa nagreklamo ang mga ito sa pagdadala ni Senator ng mga simpleng tao na nakatsinelas lamang daw kung pumasok sa mansion. Alam naman natin na ang mga nakatira doon ay talagang mga kilalang tao at mga bilyunaryo. 

 


 

Alam naman natin na si Sen. Manny ay nanggaling sa isang mahirap an pamilya at kahit na ngayong bilyunaryo na siya ay hindi pa rin nagbago ang ugali niyang makipagkaibigan sa mga simple at karaniwang tao lamang.

At dahil na rin sa tatakbo bilang pagkapresidente itong si Sen. Manny, hindi biro ang guguguling salapi sa pangangampanya at pagtulong sa mga Pilipinong nangangailangan.




Post a Comment

0 Comments