Ang dream house ni Ryzza Mae Dizon na ipinapagawa na ipinasilip sa publiko

 

 



Nagsimula ang kanyang career bilang isang pinakabatang TV host dahil sa kanyang pagwagi sa isang programa noon ng GMA7 Eat Bulaga na Little Miss Philippines taong 2012. Siya si Ryzza Mae de Guzman Dizon na ngayo’y may 16 taong gulang na dati na rin tinaguriang si aling maliit. 

Taong 2013-2015, nagsimulang umere ang kanyang malaking proyekto na ang “The Ryzza Mae Show”. Halos kinagigiliwan at inaabangan siya noon ng kanyang mga fans mapabata man o matanda. Naging bukod tangi ang kanyang galing sa paghost kahit pa ito’y napakabata pa at siya rin ang pangalawa sa pinakabatang host noon ng longest running noontime show. 

 

photo credit to owner

 

Dahil sa hirap ng buhay nila noon, ipinakita niya talaga ang kanyang galing sa paghost upang makatulong siya sa kanyang mga magulang. Sa murang edad niya, marami talaga ang humanga dahil sa nais nitong makaahon ang kanyang pamilya sa hirap ng buhay. 

 

photo credit to owner

 

Kaya naman ngayon bigla na lamang nagulat ang mga netizen sa kanyang post sa social media na kung saan ipinasilip niya ang kanyang ipinapagawang dream house. Ayon sa kanya, under construction pa lamang ang bahay na kanyang ipanasilip sa publiko kasama ang kanyang pamilya sa Pampanga. 

 

photo credit to owner


Ikinatuwa naman ng mga netizens ang mga naachieve niya dahil sa kanyang pagsisikap at bunga na rin ng kanyang mga pinagpaguran niya sa mura niyang edad. Kaya naman laking pasasalamat din ni Ryzza sa ating panginoong Diyos dahil sa mga nakamit niyang mga biyaya para sa kanyang pamilya.

Kaya hindi rin talaga hadlang ang kahirapan para maabot natin ang mga pangarap natin sa buhay. Dapat nga gawin nating inspirasyon ang nararanasan nating hirap para mas lalo tayong magsumikap sa buhay para makamit ang mga hangarin. Sana ay tularan ng karamihan ang mga pagsisikap na ginawa ni Ryzza Mae para lamang matupad niya ang mga pangarap niya para sa kanyang pamilya.

 


Post a Comment

0 Comments