Ang True Love Story ni Sen. Manny at Jinkee Pacquiao na nagpakilig sa karamihan

 

 


 

Likas na sa ating mga tao ang nagbibigay pugay sa ating mga hinahangaang mga kilalang tao lalong lalo na sa mga artista, mga kilalang atleta at gayun din sa pulitiko. Dahil sa kanila nagkaroon tayo ng inspirasyon sa buhay at pati na rin ang pagtuklas o pagkilala sa kanilang personal na buhay at mga pinagmulan. 

Kaya naman, ating alamin ngayon ang tungkol sa kilalang mag-asawa dito sa pilipinas. Ating balikan at muling silipin ang tungkol sa kwento ng pag-iibigan ng ating pambansang kamao na si Manny Pacquiao sa kanyang asawa na si Jinkee Pacquiao. 

 

Alam nating mga pinoy kung anu-ano ang mga naiambag na karangalan ng ating pambansang kamao sa larangan ng sports sa ating bansa. Simula pa noong una niyang pagsabak sa boksing ay sinubaybayan na siya ng mga maraming Pilipino pati na rin ang iba’t ibang lahi dito sa buong mundo. Ngunit marami sa atin ang hindi pa talaga alam kung kelan ba naging asawa ni Manny Pacquiao ang kanyang may bahay na si Jinkee Pacquiao.

 

photo credit to owner

 

Noong mga panahong nagsisimula pa lamang na makilala si Pacquiao sa boxing, si Jinkee naman ay abala rin sa kinahihiligan nitong pagsali sa mga beauty pageant. Ngunit bago pa man nakilala ni Sen. Manny si Jinkee, ay meron na itong naging karelasyon at engaged na pala sila nito. Ngunit naghiwalay din sila nito kaya naman dumating sa puntong pinagtagpo rin ang bawat isa sa pamamagitan ng trainer ni Jinkee na siya ring tiyuhin niya.

Nagkakilala ang dalawa sa isang Mall kung saan dito nagtatrabaho sa Jinkee bilang isang sales lady ng isang beauty products. Sa loob ng tatlong buwang panliligaw ni Sen. Manny, ay hind rin nagtagal pa sinagot na rin ito ni Mam Jinkee. Taong 2000, ay nagpakasal sila ngunit hindi sumang-ayon dito ang nanay ni Sen. Manny sa kadahilanang meron nga itong mas gustong mapangasawa ni Sen. Many sa dating niyangn karelasyon. Hindi rin naman nagtagal at naging Okay din ang samahan ng lahat. 

 

photo credit to owner

 

Sa kasalukuyan, mayroon ng limang anak sina Sen. Manny at Mam Jinkee. Isang mabuting asawa at huwarang ina ang ipinamalas ni Mam Jinkee sa kanyang asawa’t mga anak. Alam na rin mga tao kung gaano na kaginhawa ang buhay nila ngayon. Ilang mansion at mga negosyo na ang naipagpatayo ni Sen. Manny dahil sa husay at galling niya sa larangan ng boksing. Kaya naman maraming mga pinoy ang humanga sa nakamit na buhay ngayon ng dalawa.

 

photo credit to owner


 

 

 

Post a Comment

0 Comments