Derek Ramsay, itinuring na parang isang tunay na anak si Elias

 


 

Ayon sa mga netizens, kapag ang isang bagay ay mabilis mong nakuha, mabilis din daw itong mawawala. Kaya naman “Whirlwind romance” ang tawag ng mga netizens sa relasyon nina Derek Ramsay at Ellen Adarna. Matapos ang hiwalayan nila John Loyd Cruz at Ellen Adarna, hindi man lang ito tumagal at agad lumabas sa social media ang biglaang relasyon niya kay Derek Ramsay.

 

photo credit to owner


Umani ng maraming komento at reaksyon ng mga netizens ang tungkol sa relasyong Derek at Ellen. May mga iilang nagsasabi na, hindi rin daw tatagal ay maghihiwalay din agad agad sila. Ngunit nito lamang nakaraang  buwan ay pinatunayan nila sa publiko na ang kanilang pag-iibigan ay hindi na magwawakas pa dahil ipinako na nila ang kanilang pagmamahalan.

Ang relasyon na ikinakala ng karamihan na isang laro-laro lamang ngunit ngayon ay naging makatotohanan na. Ika-11 ng Nobyembre nagpakasal sina Derek Ramsay at Ellen Adarna. Talagang pinanindigan na nila ang kanilang relasyon na gawing panghabang buhay na.  

Sa araw ng kasal na iyon, naging espesyal at engrande ang kanilang seremonya na halos ikinamangha ng mga netizens. Maraming dumalong mga kaibigan, kamaganak, at kabilang na rito ang anak ni Derek Ramsay na si Austin Gabriel Ramsay sa dati niyang karelasyon. Ipinadama Austin Gabriel Ramsay ang kanyang buong pagsuporta para sa kanilang kasal. 

 

photo credit to owner


Makikita sa mga posts sa social media ang ilang mga larawan kung saan masayang magkasama sila Ellen at Derek kasama ang anak ni Ellen na 3 taong gulang na si Elias Modesto sa dating karelasyon na si John Loyd Cruz. Ikinatuwa at pinuri ng mga netizens kung paano ituring ni Derek si Elias na parang anak niya na rin ito. Sa ilang mga larawan makikita ang bonding ng dalawa kung saan parang mag-ama lamang ito. 

photo credit to owner


Ayon kay Ellen, mapagmahal at marunong magmalasakit bilang asawa at bilang step father na rin ni Elias. Ipinadama at ipinapakita raw ni derek ang pagpapahalaga at pag-alaga niya kay Elias. Kung kaya magaan na rin ang loob ni Elias at ang turing niya na rin kay Derek ay parang isang tunay na ama.

Sa ngayon tahimik na lamang si John Loyd at ayon mismo kay Ellen ay patuloy pa rin ang suporta ng actor sa anak niyang si Elias. Kaya naman thankful pa rin daw siya kay Derek dahil sa malasakit nito kay Elias.

Post a Comment

0 Comments