Ganito pala ang buhay noon ni Jericho Rosales bago siya tumapak sa mundo ng showbiz

 

 



Isa sa mga iniidulo noon ng mga netizens pagdating sa mga tambalang pelikula at drama actor si Jericho Rosales o kilala sa tawag nilang “echo”. Talaga namang hinangaan ng karamihan ang husay at galing nito sa pag-arte dahilan para siya ay maging tanyag na actor. Una siyang nakilala at napanuod sa TV sa isang programa o talent search ng Eat Bulaga na “Mr. Pogi”.

Kaya naman doon nagsimula ang kanyang career sa showbiz. Bukod sa galing nito sa pag-arte, hindi rin matatawaran ang pagkahumaling ng mga netizens sa kanya dahil sa kanyang kaguwapuhan kaya naman binansagan siyang “the ultimate hunk actor”. Sa edad na 42 years old sa kasalukuyan, animo’y mala80’s pa rin ang datingan nito. 

 

photo credit to owner


Ngunit hindi alam ng karamihan, bago pa man siya nakilala at nakatapak sa mundo sa ng showbiz ay isa rin pala siya laki sa hirap. Dumanas rin si Jericho ng matinding mga suliranin at balakid sa buhay. Namulat rin si Jericho sa isang simpleng pamilya lamang na halos wala ding sarili at maayos na tinitirhan noon kung kaya dahilan ito para siya ay magsumikap sa buhay. 

 

photo credit to owner


Nagawa niyang magtinda ng mga lumang dyaryo, at mga kinalakal na galing sa basura na pwede pang ibenta. Pati na rin ang pagbebenta ng isda, delivery boy, barker, tricycle driver at ang pagbebenta ng ice buko. Lahat ng iyan, ay kanya ding pinagdaanan at ito ngayon ang kanyang ibinahagi sa publiko na mas lalong ikinamangha ng mga netizens sa kanya.

 

photo credit to owner


Ito ang nagudyok sa kanya para mas lalong harapin ang hamon ng buhay hanggang sa dumating ang oras ng kanyang break para makilala ng buong mundo. At ito ang mundo ng showbiz na minsan niya ring pinangarap na ngayon ay kanya nang yakap-yakap at ito ang nagpabago ng kanyang buhay para sa kanyang pamilya. Sa kasalukuyan, tahimik at masayang pamilya ang dinaranas ngayon ni Jericho kasama ang kanyang asawa na si Kim Jones.

 

 

Post a Comment

0 Comments