Mga netizen nalungkot at naawa sa kalagayan ng isang lolang walang tigil sa paghahanapbuhay kahit pa uugod-ugod na

 

 



Sa panahong ito ng pandemya, marami sa atin ang naapektuhan ang mga pamumuhay. Ang iba’y nawalan ng trabaho, at nanatili na lamang sa bahay kasama ang kani-kanilang pamilya. Ngunit mayroon pa rin hindi sumusuko sa paghahanapbuhay sa gitna ng pandemyang ito. Katulad na lamang ng isang matandang ito na naging usap-usapan sa social media na kahit uugod-ugod na’y hindi pa rin tumitigil sa paghahanpbuhay. 

 

photo credit to owner


Kwento pa ng ibang mga nakakasaksi, na kahit umuulan o matinding init naman ay hindi ito naging hadlang sa kanya para tumigil sa pagbebenta ng kanyang ibinebentang mais. 

Kaya naman isa sa mga netizen na nakasaksi sa ginagawa ng matanda ang nakapagpost sa faebook sa kuha niyang mga larawan ng matanda habang ito’y abala sa pagbebenta ng mais. 

 

photo credit to owner


 

Siya si MicacArl Barde, na naawa sa matanda at sa pamamagitan ng kanyang pagpost sa social media ay maraming mga netizen ang mga naawa at handing tumulong sa matanda. Ang ilan naman ay labis ang pag-aalala sa sitwasyon at maaring maging dulot sa kalusugan ang ginagawang paraan ng paghahanap-buhay ng matanda sa kabila ng pandemyang ating nararanasan ngayon. Ayon sa komento ng mga netizen, hindi na dapat nagtatrabaho ang matanda, dapat sa kanya ay nagpapahinga na lamang sa bahay. 

 

 

 

Kaya naman marami sa mga netizen ang mga nalungkot at nag-alala sa kalagayan ng matanda. Kaya naman nanawagan ngayon ang mga netizen sa mga awtoridad na makakakita sa post na ito tungkol sa matanda upang matulungan at maibigay ang tamang pangangailangan ng matanda.

 

 

 

Post a Comment

0 Comments