Viral Ngayon! Ninong at Ninang sa kasal may pasabit na OR/CR ng brand new car at Deed of Sale ng House and Lot

 

 




Karaniwan sa mga ikinakasal ay mayroong tinatawag na money dance o “pasabit” sa ibang termino. Ginagawa yan kalimitan sa kultura ng mga pinoy. Ang iba naman ay gustong simpleng kasalan lang, ang iba’y talagang mapapasanaol ka rin sa magarbong kasalan. Ginagawa ang kasalang ito dahil sa simbolo ng pag-iisang dibdib at para panindigan na ang pagmamahalang walang sinoman ang makapaghihiwalay. 

 


 

Ngunit naging usap-usapan ngayon sa social media ang isang post sa facebook sa isang account na nagngangalang “Kaikai Borbe”. Makikita sa post niya  ang kasalang ito na mapapasanaol ka na lang talaga dahil sa pasabit na ito mula sa ninong at ninang ng ikinasal. Marami ang namangha at nagulat sa post na ito dahil sa kanilang nakita. 

 


 

Hindi pera ang kapansin pansing nakasabit kundi  OR/CR ng isang kotse at Deed of Sale ng House and Lot. Wow! Sana All! Yan ang halos sambit ng mga netizen ng makita ang post na ito sa facebook. May iilan din na makikita sa larawan ang mga nakasabit na pera, mayroong, P20, P500,  at P1000. Kaya naman mga netizen, napacongrats na lang at ang hiling ay sana tumagal ang kanilang pagsasama.

Post a Comment

0 Comments